Camarines Norte nakapagtala ng 20 panibagong kaso, 1 nakarekober at 2 nasawi sa COVID-19 kahapon

CAMARINES NORTE- 20 panibagong kumpirmadong kaso, 1 nakarekober at 2 ang nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte sa tala ng DOH Bicol kahapon

Base sa ipinalabas na ulat, ang mga panibagong kaso ay nagmula sa bayan ng Daet na may naitalang 7,  ang 5 mula sa bayan ng Talisay, 3 mula sa bayan ng Paracale habang may tig-2 kaso naman ang bayan ng San Vicente at Labo at may 1 kaso mula sa San Lorenzo Ruiz

Bunsod nito ang lalawigan ay pumalo na sa kabuuang bilang na 361 kung saan 114 dito ang aktibong kaso habang 228 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober matapos na madagdagan ng isa kahapon

Samantala, umakyat na sa 19 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *