Camarines Norte nakapagtala ng pinakamababang  bilang ng examinee sa Bicol para sa Fisheries Scholarship Program Nationwide Qualifying Examinations

CAMARINES NORTE- Sabay- sabay na nagsagawa ng Fisheries Scholarship Program Nationwide Qualifying Examinations (FSP NQE) ang Bureau of Fisheries  and Aquatic Resources (BFAR) noong Sabado, November 12.

Dito sa Camarines Norte ginawa ang examinations sa school of fisheries sa bayan ng Mercedes.

Sa mahigit 300 kumuha ng qualifying exam sa buong Bicol Region, 19 lang ang mula sa Camarines Norte sa 28 nakalista na kukuha dapat ng nabanggit na qualifying exam.

Ang mga ito ay nagmula sa Jose Panganiban, Paracale, Mercedes at Vinzons na karamihan ay anak ng mangingisda at mayroon ding nagmula sa Indigenous People Community.

Kung makaka- qualified, pagkakalooban ng full scholarship ang mga kwalipikadong estudyante na kukuha ng BS Fisheries course sa partner State Universities and Colleges ng BFAR sa bansa.

Kasama dito ang monthly  stipend, book allowance, OJT and thesis support pati na rin ang graduation fee

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *