Camarines Norte PNP Provincial Director PCol Julius Guadamor nominado sa 2022 Search for Outstanding Government Workers

CAMARINES NORTE- Nominado sa 2022 Search for Outstanding Government Workers sa ilalim ng Presidential Lingkod Bayan Award si Camarines Norte Police Provincial Director PCol Julius Guadamor.

Ginagawa ang Honor Awards Program (HAP) kada taon kung saan tumatanggap ng nominations ang Civil Service Commission (CSC).

Ayon kay Camarines Norte CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas mayroong iba’t- ibang kategorya ang HAP na bukod sa Presidential Lingkod Bayan Award kung saan nominado si Guadamor ay nariyan din ang Dangal ng Bayan at CSC Pagasa Awards.

Kadalasang iginagawad ang parangal sa mga mahihirang sa pagdiriwang ng Civil Service Anniversary sa Setyembre.

Humihingi umano ng feedback ang CSC Regional Office bago ang deliberasyon kung na-comply ba ang requirements.

“Ang usual na awarding po niyan is to coincide with the Civil Service Anniversary, month na September, so although hindi pa natin alam ngayong taon kung aabot ng ano, September anyway may mga advisories man po .”

“For each category, ang mangyayari po nito, kasi dito sa regional level pa lang, so lahat ng pumasok na nominees base sa deliberation ng Regional Level ipapadala doon sa Central Office.”

Hinimok naman si Salinas ang publiko na magbigay ng feedback o impormasyon patungol sa mga nominado, pabor man o hindi sa kanila.

“Naglabas ng aanitong advisory sa facebook page kasi nga we are soliciting feedback about the nominees, baka kasi may alam kayo na any information about the candidate whether negative yan or positive kailangan po namin yung feedback na yun para ma- consider sa deliberation ng Regional Awards Committee.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *