COVID- 19 vaccination coverage sa Camarines Norte nasa 67. 9 % pa lang

CAMARINES NORTE- Umaabot pa lang sa 67. 9 percent ang COVID- 19 vaccination coverage sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ang dahilan kung bakit hindi pa rin maibaba sa Alert Level 1 ang buong lalawigan bunsod ng hindi pa rin naaabot na herd immunity.

Para maabot ang herd immunity kailangang mabakunahan ang nasa 512, 997 katao.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center, hanggang alas 6 ng umaga ng Huwebes, Hunyo 23, nasa 315, 000 o 61. 42 percent ang fully vaccinated habang nasa 33, 930 o 6. 61 percent pa lang ang nakakatanggap ng booster shot.

Mababa pa ang vaccination coverage sa senior citizen na nasa 35, 297 pa lang sa target na 55, 004 o 64. 2  percent.

Wala pa ring sampung porsiento ang nababakunahan sa mga batang edad 5- 11 taong gulang.

Sa target na 97, 638 nasa 9, 025 pa lang ang nababakunahan  o 9. 2 percent.

Sa kabilang dako, mataas na ang vaccination coverage sa mga batang edad 12- 17 na mayroon nang 59, 759 o 76. 2 percent sa target na 78, 413.

Mataas- taas na rin ang vaccination coverage sa age group na 18- 59 na mayroong 244, 013 sa target na 330, 178 o 73. 9 percent.

Apat na bayan na sa Camarines Norte ang isinailalim sa Alert Level 1 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases mula Hunyo 16 hanggang  30

Ito ay ang San Vicente na nakapagtala ng 95. 6 percent vaccination coverage, Daet na may 82. 2 percent, Basud na mayroong 80. 0 percent at Capalonga na mayroong 79. 3 percent.

Leave a Reply

Your email address will not be published.