Camarines sur may 3 aktibong kaso ng COVID-19

NAGA CITY- Mula sa isa, tatlo na ang aktibong kaso ng COVID-19 ngayon sa Camarines Sur as of June 23, 2022.

Sa record ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO) nakasaad na ang bagong nagpositobo ay residente ng  Sta. Teresita, Iriga City at Buyo Goa, parehong for verification naman ang exposure.  Noong June 19 naitala ang isa na taga Talojongon , Tigaon.

Ang Camarines Sur ay nakapagtala na ng 17, 004 cumulative cases mula 2020, 630 rito ang nasawi.

Una nang sinabi ng Department of Health Bicol na ang mga pagtitipon ang dahilan ng paghawa sa Bicol Region ngayon.

Sa Goa na nagdiwang ng fiesta at may aktibong kaso mayroong augmentation force ang PNP, hindi lamang para sa seguridad laban sa krimen kundi magbantay at pagsita sa mga hindi nagsusuot ng facemask.

Aminado si PMaj.  Rodolfo Borromeo, Chief of Police ng Goa MPS na mahirap nang masunod ang social distancing lalo’t hindi na nainiwala ang karamihan na may COVID-19 pa pero tungkulin aniya nila na ipatupad ang health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *