Camarines Sur may mahigit 1,000 CAFGU na nakabantay sa mga infrastructure projects na pag-aari ng Gobyerno; training sa nais maging CAFGU nagpapatuloy

NAGA CITY – Kinukonsiderang force multipliers ng 9th Infantry Division Phil Army ang mahigit limang libong miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit o CAFGU sa buong rehiyon.

Isang libo o mahigit sa mga ito ang nasa Camarines Sur na kasa-kasama ng mga regular na miyembro ng Phil Army sa pagpapatrolya sa mga malalayong barangay ng lalawigan.

Bukod pa sa pagpapatrolya, ang mga CAFGU din ang pangunahing nakabantay sa mga proyektong pang Gobyerno para hindi mapinsala ng mga armadong grupo.

Ito ang trabaho ng mga CAFGU o tinatawag  ding CAA na ang ibig sabihin ay CAFGU Active Auxillary ,batay sa naging paliwanag ni Col. Sisenando Magbalot Jr., na Commanding Officer ng Divison CAA Affairs Unit ng 9th ID, Phil Army.

Sa kanyang paliwanag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Magbalot Jr. na 15 araw lamang ang duty ng mga ito sa kanilang detachment at ang kanilang subsistence allowance kada buwan ay nasa 6,500 lamang.

Sa ngayon may on-going training silang ginagawa sa mga nais maging miyembro ng CAFGU o CAA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *