Camarines Sur mayroon nang mahigit 8, 200 na animal bite cases ngayong 2021; 11 naman naitalang human deaths

NAGA CITY- Umabot na sa 8, 257 ang bilang ng mga taong nakagat ng hayop sa Camarines Sur, pinakamatas ito sa Bicol Region. Sinusundan ng probinsya ng Sorsogon na mayroong 4, 877 mula Enero hanggang Hunyo 2021 base sa update ng Department of Health Bicol.

Sa buong 2020 , 17, 341 ang nairecord sa Camarines Sur. Sa Bicol Region naman ay 46, 831 ngunit sa unang 6 na buwan ng 2021 ay mayroon na kaagad na 25, 763. 90% sa mga ito ay kagat ng aso.

Sa data na ipinakita ni Ma. Francia Genorga ng Infectious Diseases Cluster-Bicol  makikita rin na sa unang anim na buwan ng 2021,  11 na ang human death o taong namatay dahil sa rabies sa buong Camarines Sur kumpara noong buong 2020 na may 12.

Kung titinggan tumaas ito dahil sa pandemya; limitado ang galaw dahil sa mga restrictions pati transportasyon at apektado din, ang iba naman ay takot sa ospital dahil sa COVID-19.

Sa Naga City, doble kayod ang City Veterinary Office upang mabakunahan ang mga alagang hayop lalo pa ang mga aso, pinapaigting din ang panghuhuli ng mga galang aso at kamakailan lamang ay binuksan na ang dog found shelter.

Pagbibigay diin ni Genorga mapanganib man ang sakit na sanhi ng mikrobyo mula sa laway ng hayop kapag nalipat sa tao, may paraan upang maiwasan ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *