Camarines Sur naka Blue Alert Status dahil sa pag-ulan

NAGA CITY – Naka Blue Alert Level Status ang Camarines Sur dahil sa pag-ulan kahapon, katunayan may ilang bahaging binaha , ito ay batay sa inilabas na memorandum ni Gov. Luigi Villafuerte.

Kahapon, baha ang centro ng Iriga City kung saan hindi nakadaan ang ilang mga sasakyan habang ang iba ay nagpumilit.

Sa kasalukuyan passable na ang lahat ng kalsada.

Sa bayan naman ng Canaman, inihayag sa Brigada News FM Naga ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Froilan Altamarino na ilang araw na silang nagkakaroon ng pagme meeting ng mga opisyal galing sa 24 barangay para sa problemang dulot ng pag-uulan na ito; ang dengue at pagbabaha.

Ayon kay Altamarino, may apat pa lamang silang barangay na kinokonsiderang flooded area ito ay ang Iquin, Palo, San Nicolas at Manggayawan.

Coastal areas na ang mga barangay na ito kaya madaling bahain kung ganitong panahon.

Kaugnay nito, tiniyak ni Altamarino na ginagawa nila ang lahat ng paraan para masolusyonan ang problemang pagbabaha sa kanilang bayan para walang maperwisyong ari-arian at buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *