Camarines Sur, nakakuha ng pinakamataas na alokasyon ng Janssen vaccine sa Bicol

NAGA CITY-  Camarines Sur ang nakakuha ng pinakamataas na alokasyon ng Janssen  COVID-19 Vaccine ng Johnson & Johnson. Sa 203,800 doses para sa rehiyong Bicol, 51-libong doses dito ang para sa lalawigan. Hindi pa rito kasama ang 6-libong doses para sa Naga City.

Samantala , maabot ang herd immunity ang target ng lungsod tulad ng ibang mga LGUs kaya naman puspusan ang paghihikayat sa mga residente na magpabakuna na.

Bukas inaasahang sisimulan ang Naga Vaccine Express o NagaVax , 6-libo na doses ng Janssen vaccine ang ibinaba sa lungsod para sa mga nasa A1.6, A1.8 , A2  at A3 priority.

Batid ng City Health Office na marami ang nagnanais na maging fully vaccinated na sa Naga at sa Camarines Sur subalit ang mga nakatanggap ng 1st dose  ng AstraZeneca at Sinovac ay hindi maaaring mag pa 2nd dose ng Janssen.

Paliwanag ni City Health Officer Dr. Butch Borja, hintayin na lamang ang itinakdang araw para sa ikalawang dose ng dating  brand , ang Janssen kase ay single shot lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *