NAGA CITY- 21 na ang kaso ng dengue sa Camarines Sur ngayong 2023.
Ito ay batay sa record ng Department of Health Bicol mula Enero 1 hanggang Pebrero 4. 90% na ang decrease o pagbaba nito kumpara noong 2022 dahil kung titinggan pa ang record mula Enero 29 hanggang Peb. 4, 2022 sampu na ang nairecord sa mas maikling panahon.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Lupi MDRRM Officer Garry Cruz, sinabing halos walang humpay man ang pag-ulan nitong Enero mabilis lang ang paghupa ng tubig, sa hanay aniya ng MDRRMÂ aktibo silang nakikipagtulungan sa health office upang kapr-bisig na mapigilan ang pagkalat ng mga sakit. Magandang balita aniya dahil ngayong taon wala pa silang naitatalng kaso.
Pero sa tala ng DOH Central Office tumaas ng 69% ang kaso ng dengue sa bansa mula January 1 hanggang January 28 ngayong taon. Sa latest Disease Surveillance Report , iniulat ng Department of Health ang 7,804 na kaso na mas mataas kaysa sa 4,610 na kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Pinakamaraming kaso ang naiulat sa Central Luzon , National Capital Region, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Calabarzon.