NAGA CITY- Nagpalabas ng abiso ang Department of Health Bicol ukol sa 46% na pagtaas ng kaso ng Tigtas at Tigdas Hangin sa kumpara noong 2021.
Isa ang kaso ng Tigdas sa Catanduanes habang tig-iisang kaso ng Tigdas-Hangin sa Camarines Sur, Masbate at Sorsogon.
Ang Tigdas ay sakit kung saan ang karaniwang sintomas ay ubo, sipon at pamumula ng mata. Maaaring ring magkaroon ng pamamantal o rashes sa buong katawan, pagkatapos ng ilang araw na may mala-trangkasong pakiramdam. Habang ang Tigdas-hangin ay impeksyon na karaniwang nakakaapekto sa balat. Tulad ng Tigdas, nakakahawa rin ang Tigdas-hangin sa pamamagitan ng kontak sa sipon o plema ng may sakit.
Sa Camarines Sur , sinabi ni San Jose Municipal Health Officer Dr. Arnel Armea na nakabantay din ang kanilang mga tauhan ukol sa iba pang sakit maliban sa pagtutok sa paglaban sa COVID-19, kasama sa mga minominitor ang Dengue at Diarrhea. Binigyang diin ni Dr. Armea na makakaasa ang residente ng gamot sa Botika ng Bayan mula sa DOH.