Camarines Sur nakapagtalaga ng 49 bagong kaso ng COVID-19

CAMARINES SUR- Nakapagtala ng 49 bagong kaso ng COVID-19 ang buong Camarines Sur base sa record ng Department of Health Regional Office 5 na inilabas kahapon.

Ilan sa mga nakapagrecord ang Tinambac na mayroong 9 na kaso, 8 sa Naga  City, 5 sa Bula habang apat sa Pili, tatlo sa Cabusao at isa hanggang dalawang kaso naman sa 13 pang mga bayan at isa pang lungsod.

Ayon kay Dr. Paul Reazon ng Municipal Health Office ng Tinambac, karamihan sa mga kaso nila ay mga mild at asymptomatic karamihan sa mga ito na test positive sa mga health care facilities.

Ayon sa DOH Bicol isa (1) sa bawat dalawa (2) na nagpa-test sa COVID-19 ay positibo.

Kaya naman ayon kay Reazon, tuloy-tuloy ang kanilang kampanya upang sumunod pa rin ang publiko sa public health standards bagay na mahirap na aniya lalo pa’t maraming fiesta celebration, nakakampante na rin ang publiko dahil hindi na global health emergency ang COVID ayon mismo sa World Health  Organization.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *