Camarines Sur nakapatala na ng 41 pang-aabuso sa mga kababaihan at bata ngayong Nobyembre

NAGA CITY- Umabot na sa 24 ang pang-abuso sa kababaihan habang 17 naman sa mga bata sa Camarines Sur ngayong Nobyermbre.

Ito ang ibinahaging bilang sa Brigada News FM Naga ng Camarines Sur Police Provincial Office kaugnay ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women o VAW simula ngayong araw Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12, nakaangkla ito sa Proclamation 1172 Series of 2006.

Ang ang araw ding ito ay ang “National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children” base sa Republic Act No. 10398, Series of 2012.

Ayon kay PMaj. Maria Victoria Abalaing, tagapagsalita ng CSPPO, mas marami na ngayon ang batid na sila ay biktima ng pag-aabuso kaya humihingi ng tulong sa PNP. Karamihan sa mga biktima ng pang-aabuso seksuwal ay galing sa malalayong barangay.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) isa sa apat na mga pinay nag eedad 15 hanggang 49 ang naabuso sekswal, pisikal at emosyonal.

Ang pag-aabuso sa kababaihan ay isa sa mga pervasive social problem.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *