Camarines Sur  taon nang walang kaso ng Chikungunya- DOH

NAGA CITY – Umabot sa 600 na kaso ang tinamaan ng Chikungunya sa buong bansa sa nakalipas na taon, pero ang Camarines Sur naman taon nang walang kaso.

Ito ay batay sa Department of Health (DOH) mula sa kanilang pinakahuling Di­sease Surveillance Report mula Enero 1 hanggang Disyembre 17, 2022.

Sa panayam naman ng Brigada News FM Naga kay Dr. Rey Millena, DOH Camarines Sur Head, halos ilang taon na ring walang naitatalang kaso sa probinsya hanggang sa ngayon. Kailangan lamang ng proteksyon at kagaya ng dengue kailangan ang 4S Search and destroy; Seek early consultation from health experts; Secure self-protection; at Support fogging/spraying.

Sa datos mula sa Epidemiology Bureau ng DOH, walang namamatay mula sa chikungunya noong nakaraang taon gayundin sa parehong panahon noong 2021.

Ayon naman sa World Health Organization, ang virus ay kumakalat sa mga tao sa pamamagitan ng kagat ng isang nahawaang lamok. Nagdudulot ito ng lagnat at matinding pananakit ng kasukasuan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *