Cambodia, nakapagtala ng unang kaso ng Zika virus sa bansa

Kinumpirma ng Cambodia ang kauna-unahang kaso ng Zika virus sa bansa sa loob ng pitong taon.

Isang itong flavivirus na kadalasang nakukuha ng Aedes species ng lamok at sa pamamagitan ng pakikipagtalik, pagsasalin ng dugo, at congenitally mula sa ina hanggang sa anak.

Ayon sa Minister of Health ng bansa, isang pitong taong gulang na babae ang nasabing pasyenta sa central province ng Kampon Thom, at naka-admit sa Baray Santuk Referral Hospital.

Unang hinala ng mga doktor ay may dengue fever lang ang pasyente ngunit kinumpirma ulit ito na siya ay positibo para sa Zika virus matapos ang ilan pang araw.

Ang mga sintomas ng Zika ay lagnat, pananakit ng ulo, pantal, pamumula ng mata, at pananakit ng kasukasuan, na karamihan sa mga pasyente ay gumagaling sa loob ng dalawa hanggang pitong araw, dahil ang fatal rate nito ay napakababa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *