Opisyal nang magsisimula ngayong araw, Huwebes October 19 ang campaign period para sa mga tatakbo sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections o BSKE na nakatakda sa October 30.
Kasabay ng pagsisimula ng pangangampanya, muling nagpaalala ang Commission on Election Sorsogon City sa lahat ng kandidato tungkol sa mga dapat at bawal o mga election offenses na kailangang alam ng mga BSKE candidates.
Kinabibilangan ito ng mga sukat o laki ng mga poster o streamer, dapat din ay nakalahad dito kung sino ang nagbayad ng mga political advertisements at campaign material, designated posting area o lugar kung saan pinahihintulutang mgakabit ng mga poster, at higit sa lahat ang paalalang maaaring gumastos ng limang piso lamang para sa bawat rehistradong botante.
Samantala inilabas na rin ng ahensya ang mga designated posting area sa tatlong distrito ng syudad kinabibilangan ng east, west at Bacon District kung saan karamihan dito ay sa tabi ng kani kanilang mga barangay covered court, barangay hall, barangay outpost, barangay public market at harap ng basketball court. Ang campaign period ay magtatgal hanggang sa October 28.
