Campus Peace and Dev’t Forum sa mga unibersidad sa Cagayan, nakatakdang isagawa sa may 22

Nakatakdang isagawa sa May 22, 2021 ang Campus Peace and Development Forum Online na proyekto ng Philippine Air Force sa pamamagitan ng Civil Military Operations Group katuwang ang Tactical Operations Group 2 (TOG2).

Ito ang kinumpirma ni LT. Col. Sadiri Tabutol ang Group Commander ng TOG2 sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, kabilang sa mga unibersidad na lalahok sa nasabing forum online ay ang Cagayan State University Campuses, University of Saint Louie, University of Cagayan at Saint Paul University.

Pawang mga student leaders at advisers sa mga nabanggit na unibersidad ang dadalo sa naturang aktibidad.

Ayon pa kay Lt. Col. Tabutol, layunin nito na ipakilala sa mga student leaders ang mga nakahanay na proyekto ng Air Force upang matukoy ng mga ito ang maaring maging kontribusyon sa National Development.

Ang mga magsisilbing speaker sa nasabing forum ay mula sa National Youth Commision at National Economic Development Authority Region 2 kung saan ipapaliwanag ang AOM o Arouse Organize and Mobilize Strategy ng mga makakaliwang pangkat upang hindi sila mahikayat ns umanib sa kanilang pangkat.

Dagdag pa niya, ito umano ay bilang bahagi parin ng kampanya ng pamahalaan laban sa insurhensya.

Kinumpirma pa ni Lt. Col Tabutol na ang mga kalahok na student leaders ang siyang bubuo ng Supreme Student Council-Society of the Philippines Cagayan Chapter.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *