Canada, nalampasan na ang US sa daily COVID-19 cases per capita sa kauna-unahang pagkakataon

Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magsimula ang pandemya ay nagkaroon ang Canada ng panibagong grim milestone matapos nitong magtala ng mas maraming COVID-19 cases per capita kumpara sa US.

Tinatayang nasa 22 bagong kaso kasa 100,000 tao ang naitatala sa Canada sa nakalipas na pitong araw.

Ang Ontario na ang pinakamatinding tinamaan ng pandemya kung saan ay nahihirapan na ang mga ospital sa dami ng mga pasyente, lalo na sa Toronto, na pinakamalaking siyudad ng bansa.

Iginiit ni Dr. Kevin Smith, chief executive ng University Health Network, na punuan na ang mga intensive care units, at maituturing ito bilang pinakamalalang panahon na kanilang naranasan.

Inutos na ng Ontario na makansela ang lahat ng emergency surgeries sa malaking bahagi ng probinsya sa kauna-unahang pagkakataon mula pa noong Marso ng nakaraang taon.

Dahil diyan ay pinaghihintay ngayon ang mga pasyente na may kanser, cardiac at brain surgeries, dahil sa dami ng COVID-19 patients na nasa ICU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *