Candy company sa Canada, hiring ng mga tagatikim ng candies na sasahod ng $100,000

MAHILIG ka ba sa candy at tsokolate? Ito na marahil ang pagkakataon mo para pagkakitaan ang pagiging “sweet tooth” o pagiging mahilig sa mga pagkaing matatamis.

Kasalukuyan kaseng naghahanap ng mga bagong empleyado ang isang Canadian company na “Candy FunHouse” para tanggapin ang posisyon bilang “Chief Candy Officer” at sumahod ng tumataginting na $100,000 o katumbas ng P5,000,000 na annual salary.

Kabilang sa mga kwalipikasyon na hinahanap ng nasabing kompanya ay dapat na mahilig sa candy o chocolates ang aplikante; kakayaning tumikim ng mahigit 3,500 na iba’t-ibang uri ng candy products sa loob ng isang taon at may kakayahang manguna sa isang pagpupulong o meeting kung saan tatalakayin ang hinggil sa mga produkto.

Sa kasalukuyan umabot na sa mahigit 100,000 ang bilang ng mga interesadong aplikante ngunit patuloy pa rin na tatanggap ng aplikasyon ang naturang kompanya hanggang sa katapusan ng Agosto.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published.