Candy Pangilinan, nagpositibo sa COVID-19 sa ikalawang pagkakataon

Muling nagpositibo sa COVID-19 ang aktres at komedyanteng si Candy Pangilinan, sa ikalawang pagkakataon.

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Candy ang video ng kanyang sarili na naka-isolate sa loob ng kanyang bahay matapos makaranas ng mga sintomas ng COVID-19 noong January 3.

Kabilang umano sa mga sintomas na kanyang naranasan ay pananakit ng katawan, panghihina, sipon, ubo at panginginig.

Dagdag nito, mas malala ang kanyang naramdaman ngayon, kumpara nung una siyang mahawa sa virus.

Aminado naman si Candy na hindi niyan akalain na pwedeng dalawang beses na mahahawa ng COVID ang isang tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *