Canoreco hinimok ang mga kunsomidores na magtipid sa kuryente sa harap ng mataas na bayarin

CAMARINES NORTE- “MAGTIPID PO TAYO SA PAGGAMIT NG KURYENTE”!

Ito ang paalala ng Camarines Norte Electric Cooperative sa mga kunsomidores sa gitna ng mataas na bayarin sa kuryente.

Makikita ang paalalang ito ng Canoreco sa huling bahagi ng ginawang explanatory notes hinggil sa pagtaas ng September 2022 billing na naka post sa official facebook page nito.

Muli ring ipinaliwanag ng naturang kooperatiba ng kuryente ang mga dahilan ng pagtaas ng rate.

Ito ay ang patuloy na pagtaas ng fuel cost (coal price) ng binibili at ginagamit na panggatong sa power plants ng power suppliers at patuloy na na pagtaas ng inflation na nakapagpapataas naman ng presyo ng imported coal na binibili ng mga power supplier sa ibang bansa.

Nanindigan din ang Canoreco na sa lahat ng charges nang kabuuang P16. 7227 per kWh na binabayaran ng consumer tanging ang Distribution, Supply at Metering Charges lamang ang napupunta sa naturang kooperatiba ng kuryente na nagkakahalaga ng P1.6109 per kWh kada buwan.

Ang nalalabing  P15. 1118 per kWH ay ibinabayad o inire- remit sa generation at iba pang obligasyon ng Canoreco.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *