CANORECO, ISO 9001 Certified na matapos pumasa sa Certification Audit Stage 2 ng Auditors ng TUV Nord Philippines, Inc. nitong nakaraang buwan ng Marso

CAMARINES NORTE- Pasado na at may ISO Certification 9001 na ang Canoreco matapos nitong pumasa Certification Audit Stage 2 ng Auditors ng TUV Nord Philippines, Inc.

Ang nasabing pagpapasirtipika ay hakbang umano ng CANORECO upang mapatunayan na mapagkakatiwalaan umano ito ng Member Consumer Owners (MCOs) at ng External Providers nito.

Isinagawa ang ikalawang bahagi ng Certification Audit noong ika-30 at ika-31 ng Marso sa tulong ng Consultants ng Synergized Macro Solutions, Inc.

Matatandaang nagsimula ang preparasyon at koordinasyon ng proyektong ito matapos maglabas ang CANORECO board of directors  ng Board Resolution No. 102, series of 2021 noong ika-9 ng hunyo taong 2021 na nag-uutos sa CANORECO Management na kumuha ng ISO Certification bilang patunay na ang kooperatiba ay nakakasunod sa international quality standards.

Samantalang, isinagawa naman ang Certification Audit Stage 1 noong ika-2 ng Marso taong kasalukuyan.

Ang 𝐈𝐒𝐎 𝟗𝟎𝟎𝟏 ay isang internasyonal na pamantayan sa Quality Management System (QMS) na nakatuon sa sa customer satisfaction sa pamamagitan ng paghahatid ng de-kalidad na produkto at serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *