Canoreco nasungkit muli ang Triple A award sa pitong magkakasunod na taon

CAMARINES NORTE – Nasungkit muli ng Camarines Norte Electric Cooperative ang tripe A (AAA) ang pinakamataas na category na iginagawad sa isang electric cooperative ng National Electrification Administration (NEA).

Kabilang sa mga parameters na tinitingnan ng NEA sa pagagawad ng parangal ay ang institutional, financial at technical aspects ng isang kooperatiba ng kuryente tulad ng canoreco.

Mula 2016 hanggang 2022 ay nabibigyan ng Tripe A award ang Canoreco.

Noong mga unang taon na nakatanggap ng pinakamataas na award ang Canoreco mula sa NEA sinasabing malaking kagaanan ito sa operasyon ng naturang kooperatiba ng kuryente dahil may ilang exemptions.

Maaari ding ipatupad ang bagong salary scheme alinsunod sa patakaran ng NEA at pwede na itong i- apply ng Canoreco.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *