Cardema vs Guanzon, nagpapatuloy

Duterte Youth party-list – pinahihinto ang pag-upo ni dating COMELEC commissioner Guanzon sa Kamara

Iniakyat na ng kampo ng Duterte Youth party-list sa Korte Suprema ang petisyon nito para harangin ang pag-upo ni dating Commission on Election commissioner Rowena Guanzon bilang Representative ng P3PWD party-list.

Matatandaaang si Guanzon ang tatayong kinatawan ng party-list sa Kamara matapos umurong ang mga nominees nito.

Batay sa reklamong inihain ng mag-asawang sina Rep. Ducielle Marie Cardema at National Youth Commission chair Ronald Cardema, lumabag daw si Guanzon sa deadline ng COMELEC sa paghahain ng substitution.

Anila, labag daw ito sa Graft and Corrupt Practices Act pati na rin sa Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees.

Matatandaang una nang nilinaw ng COMELEC na legal ang ginawang pag-substitute ni Guanzon sa P2PWD party-list.
#

NYCC Chairperson Cardema, pinakakasuhan naman ng libel ng dating poll body official

Naghain naman ng libel at unjust vexation complaint si dating COMELEC commissioner Rowena Guanzon laban kay National Youth Commission chair Ronald Cardema.

Nagtungo si Guanzon sa Quezon City Prosecution Office para ihain ang mga reklamo laban kay Cardema na na-disqualify noon bilang representative ng Duterte Youth party-list.

Giit ng dating poll body official, labis-labis na raw ang pag-atake at pangha-harass sa kanya ni Cardema.

Kung mayroon daw problema si Cardema sa kanya, ay dapat i-akyat niya ito sa Korte.

Maliban sa NYCC chair, sinabi pa ni Guanzon na maghahain din ito ng iba pang mga kaso laban naman sa kanyang asawa na si Rep. Ducielle Marie Cardema ngayong linggo.

Ayon kay Guanzon, dahil patapos na ang termino nito bilang congresswoman, kakasuhan niya rin ito dahil hindi raw sila puwedeng magtago sa kanilang mga posisyon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *