International

Cardinal Tagle, isa umano sa pinagpipilian upang maging susunod na Santo Papa

KABILANG umano sa pinagpipilian para maging susunod na Santo Papa ng Simbahang Katolika si dating Manila Archbishop at ngayo’y Cardinal Luis Antonio Tagle, batay sa ulat ng Catholic Herald.

Maliban kay Tagle, kabilang rin sa pinagpipilian ang Hungarian Cardinal na si Péter Erdő, na siya namang arsobispo ng Estergom-Budapest.

Ang naturang ulat ay lumabas matapos kumalat ang espekulasyon kung saan malapit na umanong mag retired si Pope Francis dahil sa iniinda nitong karamdaman.

Matatandaang kabilang si Tagle sa 22 miyembro ng Vatican City’s Congregation for Divine Worship and the Discipline of Sacraments.

Noong 2019 naman ay mas napalapit ang Cardinal sa Santo Papa matapos itong ma-appoint bilang Prefect ng Vatican’s Congregation for the Evangelization of People.

Sakaling mahalal bilang susunod na Santo Papa, si Cardinal Tagle ang kauna-unahang Pilipinong Santo Papa na magiging lider ng Simbahang Katolika sa buong mundo.###

BNFM Bicol

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

17 hours ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

17 hours ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

17 hours ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

17 hours ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

18 hours ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

18 hours ago