Carl Tamayo, hindi makakapaglaro para sa Gilas

Hindi na rin makakapaglaro para sa Gilas Pilipinas si dating University of the Philippines standout Carl Tamayo ilang araw bago ang sixth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kinumpirma ito ni Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios sa ensayo ng Gilas Pilipinas.

Ang 22-anyos na Cebuano ay pumirma ng isang  kontrata sa Ryukyu Golden Kings sa Japan B. League, at tila kailangan ni Tamayo na gumugol ng oras para sa kanyang bagong koponan.

Porman na iniharap si Tamayo sa Japanese media noong nakaraang linggo.

Si Tamayo ang ikalimang player ng Gilas Pilipinas na kumpirmadong hindi makalalaro sa sixth window.Una na si Kai Sotto na nagpaalam na hindi ito makalalaro upang pagtuunan ang pagsabak nito sa NBA Summer League at sa Japan B.League kasama ang Hiroshima Dragonflies.

Wala na rin sa pool sina Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra, Roger Pogoy ng Talk ’N Text at Angelo Kouame ng Ateneo de Manila University na pare-parehong may injury. Kaya naman gumagawa na ng game plan si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa rotation ng kanyang mga players.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *