Carl Tamayo ng UP , maglalaro na sa Japan B. League

Nagpaalam na si Carl Tamayo sa kanyang koponang UP Fighting Maroons pagkatapos ng dalawang season sa UAAP para maglaro ng professional basketball sa Japan B. League.

Sa kanyang Instagram, nag post ng madamdaming mensahe si Carl sa pag-alis niya sa UP Maroons.

Sinabi ni Carl na ang paglalaro niya para sa UP Maroons ang nagbukas ng pintuan ng mga oportunidad para mapansin siya sa larangan ng basketball.

Sa kanyang dalawang season sa UP, si Tamayo ay nagsilbing sentro ng opensa para sa koponan kasama sina MVP Malick Diouf at JD Cagulangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *