Carlo, JC, aminadong hindi sila sanay na iwanan ang kanilang pamilya tuwing locked-in taping

Aminado ang celebrity dads na sina JC De Vera at Carlo Aquino na hindi na sila nasanay na magpaalam sa kanilang pamilya sa tuwing sasabak sila sa locked-in taping.

Sinabi ni JC, na nakaka-bonding nito ang kaniyang co-stars sa set upang hindi niya maramdaman ang kalungkutan na mawalay sa pamilya.

Iginiit ng aktor na hindi nakakasanay na magpaalam sa kaniyang misis at baby at mabigat ito para sa mga ama na tulad nila ni Carlo.

Tulad ni JC ay sinabi ni Carlo na kahit kailan ay hindi siya magiging prepared na iwanan ang kaniyang pamilya lalo na ang anak niya na isang toddler.

Aminado si Carlo na ikinalulungkot nito na hindi niya nasasaksihan ang mga pagbabago sa kaniyang anak tulad na lamang ng unang beses itong magka-ngipin, mag-crawl, at iba pa.

Sinabi ni Carlo na sa video na lang niya nasisilayan ang mga pagbabago sa kaniyang anak.

Nitong Miyerkules ay nagkaroon ng pagkakataon ang Brigada News FM na makausap sa isang regional media conference ang apat sa stars ng upcoming teleserye ng ABS-CBN na “La Vida Lena” kung saan ay magsisilbi sina JC, Carlo, at Kit Thomspon bilang mga leading men ng aktres na si Erich Gonzales.

Ipalalabas ang “La Vida Lena” sa free TV sa June 28 sa pamamagitan ng TV 5.

Gagampanan ni Erich ang papel ni Magdalena Mendoza na maghihiganti laban sa isang makapangyarihang angkan matapos niya makaranas ng pang-aapi.

Una nang ipinalabas ang ilan sa mga episodes ng “La Vida Lena” sa IWantTV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *