Puspusan na ang paghahanda ni world champion Carlos Edriel Yulo para sa 2024 World Cup na idaraos sa iba’t ibang venues.
Kabilang na rito ang Egypt, Germany, Azerbaijan, Turkey, Croatia, Qatar, Bulgaria, Slovenia at Hungary base sa schedule na inilabas ng International Gymnastics Federation (FIG).
Bukod dito, lalaban din siya sa Olympic Games na gaganapin naman sa Paris, France sa Hulyo.
Tiniyak ng kampo ni Yulo na nasa tamang kondisyon ang kampeon para sumabak sa iba’t ibang laban.
Katuwang ng atleta sa pangangalaga sa kanyang katawan si Philippine Olympic team nutrition coach na si Jeaneth Aro.