Carmelo Anthony, napiling ikatlong global ambassador para sa FIBA World Cup 2023

Napili bilang ikatlong global ambassador ng FIBA ​​World Cup 2023 ang NBA superstar Carmelo Anthony.

Si Anthony, ay naging bahagi ng Team USA iteration noong 2006 kung saan nanalo ang koponan ng bronze sa FIBA ​​World Championship.

Naglaro rin si Anthony sa apat na Olympic Games mula 2004 hanggang 2016.

Sa Summer Games, nanalo siya ng tatlong ginto at isang silver medal.

Matatandaang , una nang inihayag bilang FIBA Global Ambassador ang 42-anyos na Spanish legend na si Pau Gasol, na huling naglaro sa Barcelona noong 2021 at napanalunan ang 2006 FIBA World Cup sa Japan.

Ikalawa ang Argentina hero na si Luis Scola na kinilala bilang FIBA Basketball World Cup 2023 Global Ambassador para sa torneo na gaganapin simula August 25 hanggang September 10.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *