Cartographic sketch ng suspek sa pamamaril sa dalawang katao sa Puerto Princesa, inilabas ng PNP

Inilabas na ng police Station 2 ang cartographic sketch ng suspek sa pamamaril sa dalawang katao sa Barangay Kamuning Puerto Princesa noong ika- 17 ng Disyembre 2022.

Ibinase umano ang sketch sa pagsasalarawan ng mga witness sa krimen at kaanak ng mga biktima.

Ang mga biktima ng pamamaril noong gabi ng araw na iyon ay kinilala na sina CRISTOPHER HERMOSO PAO, 27 anyos at isang babae.

Ayon sa police station 2, base sa testimonya ng kapatid ng isang biktima na si AILYN PAO AVENTAJADO, bago ang pamamaril ay ipinaalam sa kanya ni Cristopher na maghahatid lamang ito ng Kalan sa isang nagngangalang Richard sa Barangay Kamuning.

Noong gabing iyon ay nag-alala na umano sila dahil hindi agad nakauwi si Cristopher noong gabing iyon kaya tinawagan na lamang niya ito subalit ang nakasagot sa tawag ay ang opisyal ng barangay kamuning na si Kgd. Raymundo Reynoso at doon ipinaalam ang malungkot na sinapit ng biktima.

Natagpuan ang mga katawan ng biktima habang nakabangga ang topdown motorcycle nito sa punong niyog habang ang kanilang mga katawan ay may tama ng bala.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala.

Samantala, hindi pa malinaw hanggang ngayon sa kaanak at imbestigador ang totoong motibo sa pagpatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *