Cash-for-work program ng DSWD, nakabenepisyo ng 207K na mga PWDs

Nakapagbigay na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cash assistance na nagkakahagala sa mahigit P830 million sa 207,152 persons with disabilities (PWDS) sa 150 iba’t-ibang munisipalidad sa bansa.

Ayon sa DSWD, na ang naturang bilang ay as of Jan. 19, habang ang consolidation sa final reports ng mga benepisyaryo mula sa Field Offices ay nagpapatuloy.

Matatandaan na ang payout activities ay isinagawa simultaneous noong December 2022 para sa cash-for-work (CFW) ng DSWD sa mga PWDs sa bansa, bilang bahagi ng pagtalima ng ahensya sa mandato ng Marcos administration na dalhin ang mga programa ng gobyerno na mas malapit sa mga tao. Kabilang sa community works at services na isinagawa ng mga PWDs sa ilalim ng “BUHAYnihan or Buhay at Bayanihan para sa Mamamayan Cash-for-Work for Persons with Disabilities,” ay ang communal gardening, tree planting, paglinis sa mga public offices at kapaligiran at coastal cleanup, at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *