Cash incentives sa mga brgy. officials ng Camalig, Albay, ipinamahagi na ng LGU

LEGAZPI CITY – Ipinamahagi ng Local Government Unit (LGU) at ng Deputy Executive Secretary for Finance and Administration (ODESFA) Office of the President, katuwang ang Municipal Treasurer’s Office (MTO) ang cash incentives sa mga barangay officials sa bayan ng Camalig, Albay.

Sa impormasyong mula sa LGU, ang bawat punong barangay, kagawad, secretaries, treasurers at Sangguniang Kabataan (SK) Chairmen mula sa limampung barangay ay nakatanggap ng PHP 3,000 o kabuuang halaga na nasa PHP 1,650,000.

Bahagi ang cash incentive distribution sa mandato ng 12-point Executive Agenda ng LGU na naglalayong mabigyang-pagkilala at reward ang mga barangay officials dahil sa pagbibigay nila ng serbisyo-publiko mula sa grassroots level.

Matatandaan nitong buwan ng Enero, sinabi ni Mayor Caloy Baldo na mag-aavail siya ng nasabing programa na pinondohan ng socio-civic project ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *