Cashless transaction sa palengke at public transpo sa City of San Fernando, planong ilunsad

Isinusulong ng Local Government ng City of San Fernando ang cashless payment sa mga public market at local transportation.

Ang programang ito ay tatawaging “Paleng-QR”, kung saan makakatuwang ng City government ng San Fernando ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.

Sa ngayon naka takdang magsagawa ng site visit ang BSP San Fernando sa bagong bukas na City Market plaza, na magiging pilot subject ng naturang programa.

Kaugnay nito tiniyak ng BSP na isasailalim rin sa orientation at training ang mga market vendors at mga local transportation drivers para sa Paleng-QR program.

Samantala, ayon naman kay Mayor Vilma Caluag posibleng maging optional lang ang cashless payment dahil na rin sa hindi maiwasang connectivity issue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *