Cat’nes Vice Gov sa mga Catandunganon: “Sundin ang health protocols at makiisa sa vaccination roll out.”

BNFM BICOL—Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes, nanawagan sa publiko ang bise gobernador ng lalawigan na panatilihin ang pagsunod sa mga umiiral na health protocols at makiisa sa nagpapatuloy na vaccination roll out.

Batay sa inilabas na pahayag ni Catanduanes Vice Governor Shirley Abundo sa pamamagitan ng kanyang facebook account, sinabi nitong malaking bagay ang pagsunod sa mga minimum health standards dahil ito ang pinaka basic na depensa ng bawat isa kontra sa nakamamatay na sakit.

Bukod pa rito, malaking tulong din aniya ang pakikiisa sa nagpapatuloy na pagbabakuna sa lalawigan hindi lamang upang ma protektahan ang sarili kundi maging ang pamilya at para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Ipinaalala rin ng opisyal na umabot na sa critical level ang occupancy rate ng mga ospital sa isla partikular ang mga COVID beds at COVID isolation wards. Wala na ring abilableng mga ventilators, dahil ang lahat ng mga ito ay ginagamit na ng mga COVID patients sa isla na nasa kritikal na kondisyon.

Sa huli, ipinakiusap rin na Abundo sa mga Catandunganon na sumunod sa mga ipinatutupad na restriksyon ng mga local officials sa kanilang mga respetibong bayan, at huwag balewalain ang paalala ng mga ito, hinggil sa mga dapat gawing pag-iingat upang maiwasan ang pagkahawa sa deadly virus.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *