Engaged na si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang boyfriend na si Sam Milby.
Ito ay matapos i-reveal ni Catriona sa kanyang Instagram account.
Ipinakita ng beauty queen ang kanyang suot na engagement ring at ang nakasulat sa kanyang coffee na “future Mrs. Milby”.

Hindi naman nagpahuli si Sam at ibinahagi rin ang kaparehong larawan na may short pero sweet na mensahe kay Catriona.
Matatandaang kumalat noong Disyembre ang balitang engaged na ang dalawa dahil sa naging cryptic post noong nakaraang taon ni Catriona being “at her happiest” ngunit pinabulaanan ito ni Sam.
Taong 2020 nang kumpirmahin ng dalawa na sila’y magkasintahan nang mag-post si Sam ng isang polaroid photo nilang dalawa sa kanyang Instagram account.//CA