Isa na ngayong certified open water diver si Catriona Gray.
Ibinahagi ng dating Miss Universe ang magandang balita sa isang Instagram post nang hilingin niya sa kanyang mga tagahanga at followers na irekomenda ang kanilang mga paboritong diving spots.
Sinabi ni Gray na matagal na siyang sinasabihan ng kanyang fiance na si Sam Milby na kumuha ng divers license.

Ginawa niya ang unang dive noong Labor Day long weekend.//CA