Sa ikatlong sunod na taon, si Catriona Gray ang napiling mag-host ng Binibining Pilipinas grand coronation night sa May 28.

Inilabas ang impormasyon sa pamamagitan ng official Instagram account ng Bb. Pilipinas.
Kabilang naman sa mga espesyal na bisita ay si Vice Ganda na inaasahang magtatanghal sa pageant.
Ang 40 kandidata ng Bb. Pilipinas 2023 ay ipinakilala noong buwan ng Pebrero.//CA