Catriona, hindi kasama si Sam Milby sa birthday nito

Nag-post si Catriona Gray ng litrato nito kasama ang kanyang nobyo na si Sam Milby sa Instagram para batiin ito ng maligayang kaarawan.

Makikita sa litrato ang dalawa na nagbabakasyon noong holiday, kung saan ay makikita sa background nito ang isang makapal na gubat habang sila ay nakatayo sa dulo ng isang tulay.

Nakayakap naman ang Miss Universe 2018 kay Sam sa kanilang sweet moment.

Mababasa sa caption ng post: “Happy birthday my love @samuelmilby ! So sad I can’t be with you today to celebrate (even though you hate birthdays) but so thankful I get to do life with you, ILYSM”

Kasalukuyang nasa Australia ngayon si Cat kasama ang kanyang mga magulang habang si Sam ay nandito sa Pilipinas.

Matatandaan na isiniwalat ni Sam ang relasyon nila ng beauty queen sa mismong araw ng kanyang kaarawan kung saan ay sinabi niya na ito ay “worth every second of the wait”

Noong July naman ay isiniwalat ni Catriona na sila’y matagal nang magkarelasyon bago pa ito naisapubliko noong Mayo. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *