Binigyang-diin ni Cavite Police Provincial Office, Trece Martires Chief Police, Police Lieutenant Colonel Jonathan Asnan na patuloy lang ang kanilang istasyon sa pagbabantay sa mga checkpoint upang matiyak na nasusunod ng kanilang nasasakupan ang gun ban period bilang paghahanda sa paparating na 2023 Barangay and Sangguniang Elections (BSKE).

Sa ilalim ng Commission on Elections (COMELEC) Resolution No. 10918, ipinagbabawal ang pagdadala at paghahatid ng mga baril o pampapasabog tulad ng ammunition at iba pang nakakamatay na armas sa labas ng bahay at pampublikong lugar.
Maalala, binigyang-papuri ni PGen. Benjamin Acorda Jr. ang isinagawang initial launching ng Cavite PPO kung saan dito nahuli ang kauna-unahang lumabag sa gunban period.