Cavite PPO, naglunsad ng paligsahan bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Crime Prevention Week

Naglunsad ngayong araw ng “On the Spot Painting Contest” ang Cavite Police Provincial Office bilang pakikiisa sa programa ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) at pagdiriwang ng National Crime Prevention Week.

Maalala, pinangunahan nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. at Vice Mayor Gian Sotto ang grand launching ng programang Buhay Ingatan, Droga’y Awayan (BIDA) noong nakaraang taon.

Layunin ng nasabing programa na tutukan ang drug demand reduction at rehabilitation ng mga komunidad bilang parte ng anti-illegal drug campaign ng DILG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *