Nakasamsam ng mahigit 1.53 grams na shabu ang Cavite Police Provincial Office (PPO) na nagkakahalaga ng P10,404 mula sa kanilang isinagawang operasyon mula kahapon hanggang ngayong araw.
Samantala, nakuha rin nilang makapag-aresto ng apat na tao, kung saan isa sa mga ito ay itinuturing na ‘Most Wanted Person’ na siyang nahuli naman sa Novoleta, Cavite.
Kung maalala, ang lalaking nahuli mula rito ang siyang itinuturing na top 4 most wanted person na may kasong may kaugnayan sa iligal na droga.
Kinasuhan ang nasabing suspek ng paglabag sa Sec. 5 and Sec. 11 Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act), gayundin ang paglabag sa RA 10591 kaugnay ng Omnibus Election Code.
Kaunay ng patuloy na ginagawang operasyon ng Cavite PPO, binigyang-diin nilang mas paiigtingin pa nila ang pagseserbisyo at pagpoprotekta sa kanilang nasasakupan.