Cayetano, ‘never say die’ sa kanyang P10K ‘ayuda’ bill

Muling iginiit ni Senator Alan Peter Cayetano ang kanyang pangako na isusulong ang pagpasa sa panukala na naglalayung magbigay ng P10,000 cash aid para sa bawat pamilya.

Giit ni Cayetano, may sapat na pondo ang pamahalaan para ipatupad ang naturang programa.

Ginawa ng senador ang pagtitiyak sa ikalawang anibersayo ng kanyang “Sampung Libong Pag-asa” initiative, matapos na ihain nito ang Senate Bill No. 62 o ang panukalang Sampung Libong Pag-asa Law.

Bagama’t hinihintay ngayon ang deliberasyon sa committee level, sinabi ni Cayetano na kinumpirma mismo ng Department of Finance (DOF) na mayroong P200-billion sa national budget na maaring gamitin para ipatupad ang naturang proposal.

Pero binigyang diin ng mambabatas na mas gusto ng mga economic managers ng gobyerno na ikalat ang pondo sa iba’t-ibang ahensya ng social protection programs sa ilalim ng iba’t-ibang ahensya, na para sa kanya ay less efficient.// MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *