Naglabas ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng translation ng “Act of Consecration to St. Joseph” sa anim na lokal na dialekto.
Inisyu ng CBCP ang Tagalog, Cebuano, Bikolano, Hiligaynon, Ilokano, at Waray translations, apat na araw bago ang National Consecration to St. Joseph sa May 1.
Pangungunahan naman ni Archbishop Romulo Valles, CBCP President, ang national consecration sa San Pedro Cathedral sa Davao City.

Samantala, hiniling naman ni Msgr. Bernardo Pantin, CBCP Secretary, na mai-broadcast sa iba’t-ibang simbahan ang national consecration makasali ang lahat ng mga obispo at pari.
Mababatid na magkakaroon ng live stream ang national consecration sa Facebook page ng San Pedro Cathedral.
