CBCP, nanawagan ng panalangin para sa kapayapaan sa Israel

Nanawagan ng panalangin para sa kapayapaan sa Israel at Palestine ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP.

Hinihiling ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, vice chair ng CBCP – Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People, ang panalangin para sa 39 Pilipinong kasapi ng Israel Defense Force reserve na nanganganib dahil sa digmaan sa Gaza Strip.

Mahigit 30,000 Pilipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa bansang ito.

Ipinapayo rin ni Santos sa mga Pilipino na nasa conflict area na maghanap ng kanilang mga masisilungan at mag-ingat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *