CBSUA tanging unibersidad sa Bicol na nakapasok sa (ICONS) Awards 2023

NAGA CITY – Isa sa 71 higher education institute sa Pilipinas ang Central Bicol State University of Agriculture ang nakapasok para sa Internationalization Champions of Nation-Building and Sustainability (ICONS) Awards 2023.

Ang ICONS Awards ay taunang pagkilala ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga paaralan sa buong bansa na nagpamalas ng de kalidad na pagtuturo, paglago sa mga pasilidad ng paaralan, maging ang pagkakaroon ng mga programa patungkol sa mga Sustainable Development Goals (SDGs). Sa rehiyong Bicol, tanging ang CBSUA lamang ang napabilang sa nasabing awards.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni CBSUA President Dr. Albert Naperi, na isang malaking karangalan na mapabilang ang kanilang institusyon sa nasabing pagkilala. Ito ay isang indikasyon na epektibo ang kanilang mga ginagawang hakbang para magkaroon ng de kalidad na edukasyon ang kanilang institusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *