CCG, 3 beses nag radio challenge sa mga nag suplay sa BRP Sierra Madre

Naging mataas ang tensyon ng Tsina at Pilipinas habang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre ang Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa inilabas na video ng AFPTV mula sa BRP Cabra, maririnig na halos tatlong beses nag-radio challenge ang Chinese Coast Guard (CCG), na sinasabing nasa kanila ang “indisputable sovereignty” sa Nanshan Islands, kabilang ang Ren’ai reef.

Sagot naman ng PCG, lawful routine ang isasagawa ng mga Pilipino dahil nasa Philippine exclusive economic zone ito, alinsunod sa international at national laws.

Dagdag pa nito, makaka-apekto sa relasyon ng dalawang bansa ang pagtangkang panghaharang ng Tsina sa mga Pilipino.

Ngunit sa kabila ng pagpapatintero sa Chinese vessels, naging matagumpay ang resupply mission at pinauubuya na nito sa AFP ang imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *