CDC, iginiit na hindi nila tino-tolerate ang illegal na aktibidad sa loob ng freeport

Iginiit ng Clark Development Corporation o CDC na hindi nila tino-tolerate ang mga illegal na aktibidad sa loob ng Clark Freeport Zone.

Ito ang laman ng inilabas na official statement ng CDC kasunod ng pagkaka rescue sa mahigit isang libong biktima ng human trafficking nitong Hwebes.

Ayon pa sa CDC, tinitiyak nila sa publiko na lahat ng mga registered business enterprise sa loob ng Freeport ay sumusunod sa mga umiiral na batas at regulations.

Kasabay din nito ang paglilinaw na ang Colorful and Leap Group Company ay hindi registered business enterprise sa CDC.

Ang Sun Valley Clark Hub Corporation na sub-lessee ng Dongwang Clark Corporation II ang syang CDC registered business enterprise na inaprobahan ng CDC noong January 16, 2019.

Sa bisinidad naman ng Sun Valley Hub Corporation umuupa ang ni-raid na Colorful and Leap Group Company kung saan na-rescue ang mga human trafficking victims.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *