Celeste Cortesi, lumipad patungong US para sa last leg ng kaniyang Miss U training

Nakaalis na si Philippine bet Celeste Cortesi patungong United States para sa last leg ng kanyang Miss Universe training.

Sa isang larawan mula sa Miss Universe Philippines organization, todo ngiti si Cortesi sa airport habang may hawak na mini flag ng Pilipinas.

Mapapanood ng mga Pinoy pageant fans si Cortesi na magtatangkang makuha ang korona ng Miss Universe sa January 15.

Ang 71st edition ng Miss Universe pageant ay gaganapin sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana sa US.

Walumpu’t anim na kalahok ang maglalaban-laban para sa titulong Miss Universe 2022 kapalit ni Harnaaz Sandhu ng India.

Target ni Cortesi ang ikalimang Miss Universe crown para sa Pilipinas, kasunod ng mga panalo nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Dati nang kinatawan ng Filipino-Italian Cortesti ang Pilipinas sa Miss Earth 2018 pageant kung saan nagtapos siya sa top 8.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *