Cellphone na nakalagay sa motorsiklo, ninakaw!

Pinag-iingat ngayon ng isang ina mula sa Barangay San Jose sa Puerto Princesa ang publiko matapos na manakawan ng mobile phone ang kanyang anak nitong Linggo, May 21.

Ayon kay Mrs. Myjo Alabado, nangyari ang insidente bandang alas-singko ng hapon sa harap ng tindahan sa Lomboy St. Barangay San Jose.

Bumili lang umano saglit ang anak nya na si Stephunie Alabado Sonio sa tindahan kung saan may CCTV ngunit pagbalik nito ay wala na ang cellphone nito sa motorsiklo.

Napaiyak na lamang ang anak nito na isang 3rd year college student dahil inaalala nito ang mahalagang files na kailangan sa pag-aaral.

Inireport na ang insidente sa barangay at nais nilang maibalik pa ang cellphone unit (Vivo Y21) na nagkakahalaga ng daw ng mahigit sampung libong piso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *